DISCIPLESHIP MINISTRY
PHILIPPINE NORMAL UNIVERSITY
BATCH 2011
PAANO ITO NAG-UMPISA?
Hunyo 2009 wala pa kaming professor sa klase.
Habang naghihintay nagdrawing ako sa kalahating
bond paper ng simpleng illustrasyon
tungkol sa kaligtasan.
dahil hindi na dumating ang professor namin
ay pwede ng umuwi ngunit
tinanong ni Noella May-i Orosco
kung ano ang aking iginuhit.
Isang pagkakataon upang ibahagi ko ang ebanghelyo.
Ng kinekwento ko na ang illustrasyon
ay may ibang kaklase din ang nakinig
at naging interesado sa mga sinasabi ko.
Ang isang kaklase ko din naman na
si Karen Aragonesang laging nagyayaya
sa akin na sumama daw kami sa
Bible study ng Tanglaw fellowship
kaya naman sa Campus Crusade for Christ.
Nabuksan ang aking isipan sa oportunidad na
ipinapakita ng Panginoon upang ibahagi ang
tamang kaligtasan sa aking mga kaklase.
Marso 2009
nang masimulan ang gawain sa IV-A BSMT.
pero kinalaunan ay may sinunod kami na curriculum.
Gumawa ako ng compilation ng Basic Theology,
Hamartiology and Soteriology topic
at ikinompile ko sa isang booklet na
pinamagatan kong "Foundations of Faith".
Patuloy kaming nag b-BS
tuwing thursday pagkatapos ng aming klase.
Patuloy kaming nag b-BS
tuwing thursday pagkatapos ng aming klase.
.Kasama ko si Mary Jel Delos Reyes na
mag-lead at ang talapagpa-awit
naman ay si Jhay Tuazon.
Opening prayer..
singing time...
testimony time...
motivational activity...
lesson proper...
memory verse...
closing prayer..
(merienda minsan)
Kahit pagod kami galing sa CALCULUS class
o kahit saang klase pa na nakakadugo ng utak..
tingnan nyo naman..
Pero minsan sa sharing time
ay may mga umiiyak din
dahil hindi mapigilan sabihin ito sa mga kaibigan.
Salamat sa Panginoon dahil may mga
kaibigan na tunay.
makasaysayang relo
na lagi kong hinihiram kay Jel
dahil lagi akong lumalagpas sa oras
at ginagabi na kami ng uwi.
Ang aming theme song nga ay
"FRIENDS"
by Michael W. Smith
makasaysayang relo
na lagi kong hinihiram kay Jel
dahil lagi akong lumalagpas sa oras
at ginagabi na kami ng uwi.
Saan kami nagtitipon?
minsan sa mesa sa ilalim ng punong balete...
minsan sa silong ng mangga..
o kaya naman ay
sa gilid ng hagdan ng MB..
dahil wala kaming sariling pwesto
pwede rin sa CS building
sa kadahilanang may piano na rin dito
minsan sa damuhan (grassland)...
minsan din kahit saang room sa
PNU main building...
pero kahit saan pa man,
masayang mag-aral ng salita ng Panginoon.
No comments:
Post a Comment